I lash it tondo manila
Our take
Sobrang rude nung gumawa ng lashes and brows ko sa i lash it tondo branch. Sa una pa lang the way siya magsalita parang nanadya mamahiya. Una sa pagkakaupo ko sabi niya umangat pa daw ako which i did but then sinabihan niya ko na umangat ka pa! Yung tone ng pagkakasabi niya talaga yung nagsusungit which dineadma ko na lang and sinubod ko siya kahit nahirapan ako umangat uli kasi may scoliosis ako. Then nung nagstart na siya sabi niya nagtwitch daw yung eyes ko so i did my best para marelax ako but she keeps on complaining na napapahiya ako kasi malakas siya magsalita and yung tone ng boses niya parang pinapgalitan niya ko. Panay sabi biya "madam yung eyes mo talaga ang likot!" "Tsk ang likot talaga" etc. Lahat yan ramdam mo dahil yung tone niya galit! So imbes marelax i felt more uneasy and nervous kaya sabi ko the more niya kako akong ginaganun natetense ako lalong nagtwitch eyes ko. Sabi ko nga if di kaya cancel lang ok lang kako kasi grabe napapahiya na ko talaga lalot may ibang customer at staff nakakakita samen. Then sabi niya yung brows na lang daw muna unahin niya kesa lashes. Nagpa lashes, brow lamination and threads ako that day but that will be my first and last time na magpapagawa dun. Nakaktrauma..yung other lash tech sa tabi ko mabait sa customers pero yung napunta saken di ko alam if galit ba sa mundo. I don't know her name pero narinig ko while she was doing my lashes kausap niya yung katabing lash tech na mag eenrol daw siya so i assume student siya. Minalas ako sa ganun ako natapat eh introvert p naman ako and sobrang mahiyain 😭
[link] [comments]
Read on the original site
Open the publisher's page for the full experience